Isa sa Top Most Wanted Person sa Cagayan, Napasuko ng Militar

90

Cauayan City, Isabela- Isinuko ang sarili ng isang lalaki na kabilang sa Top Most Wanted Person sa Lalawigan ng Cagayan sa mga sundalo ng 77th Infantry ‘Don’t Dare’ Battalion na nag-ooperate sa Silangang bahagi ng probinsya.

Una rito, habang nagpapatrolya ang mga tropa ng Alfa Company sa pamumuno ni 1Lt Dondon Malidas sa kanilang nasasakupan ay nilapitan sila ng mga concerned citizens at ilang barangay officials at iniulat ang presensya ng hinihinalang wanted person.

Agad na nagtungo ang mga sundalo sa Sitio Salong, Barangay Tanglagan, Gattaran upang beripikahin hanggang sa nakumbinsi at napasuko ang suspek sa tulong na rin ng pagsama ng anak na dating kasapi ng New People’s Army (NPA).

Inamin naman ni Boyet Fernandez Tuliao na siya ay wanted sa kasong murder o pagpatay.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang mga sundalo sa Gattaran Police Station upang ipabatid ang pagsuko ng suspek at madala ito sa himpilan ng pulisya para sa tamang proseso.

Nabatid na si Boyet Tuliao ay mayroong nakabinbin na warrant of arrest sa kasong murder na kung saan siya ang target noon ng kapulisan sa Brgy Mabuno, Gattaran nitong buwan ng Agosto na nagresulta sa engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga NPA.

Facebook Comments