17, patay sa bus-train collision sa Thailand

97

Patay ang nasa 17 pasahero habang 29 ang sugatan sa pagbangga ng bus sa isang tren sa Thailand.

Papunta sana sa isang templo sa Cha Choeng Sao province ang mga sakay ng bus nang mangyari ang aksidente.

Kinailangan pang gumamit ng mga otoridad ng crane para maitayo ang tumagilid na bus at ma-rescue ang mga pasahero.

Inaasahan umanong madaragdagan pa ang bilang ng mga injured at casualties.

Sinasabing pangkaraniwan na ang mga ganitong aksidente sa Thailand na regular na nangunguna sa listahan ng “world’s most lethal roads” bunsod na rin ng mabilis na pagpapatakbo, drunk driving at mahinang law enforcment sa mga kalsada.

Base pa sa 2018 report ng World Health Organization, pumapangalawa ang Thailand sa may pinakamataas na traffic fatality sa buong mundo.

Facebook Comments