22 Katao sa Cagayan Valley, Nagpositibo sa COVID-19

305

Cauayan City, Isabela- Dalawampu’t dalawang (22) katao na nagpositibo sa COVID-19 ang muling naitala sa Rehiyon dos.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of October 11, 2020, apat (4) ang muling nagpositibo sa virus na naitala mula sa Cagayan, labing apat (14) sa Isabela at apat (4) sa Nueva Vizcaya.

Kaugnay nito, umabot na sa 517 ang total cases ng Cagayan, 834 sa Isabela, 97 sa Santiago City, 582 sa Nueva Vizcaya, lima (5) sa Quirino at dalawa (2) sa Batanes.

Pumalo naman sa 2,037 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa rehiyon dos, 356 ang active cases, 1,647 ang nakarekober at 34 ang namatay.

Facebook Comments