17 Pinoy seafarers na bihag ng Houthi rebels, patuloy na nakakatanggap ng sweldo

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy na nakakatanggap ng sweldo ang 17 Filipino seafarers na bihag ng Houthi rebelds sa Red Sea.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, makakatanggap din ng tulong ang naturang Pinoy seafares sa pagbalik nila sa bansa.

Tiniyak din ni De Vega na patuloy na nakakatawag sa kanilang pamilya sa Pilipinas ang mga bihag na Pinoy.


Bago mag-Pasko ay inaasahang makakauwi na ng bansa ang 17 Pinoy.

Una nang tiniyak ng DFA na hindi sinasaktan ng Houthi rebels ang Pinoy seafarers at nakakakain sila ng maayos.

Facebook Comments