Bilang ng mga pasaherong dumagsa sa NAIA ngayong taon, umabot ng halos 4-M

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na umaabot na sa 3,813,781 na mga pasaharo ang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) terminals ngayong taon.

2,019,882 dito ay domestic habang 1,793,899 ang international travelers.

Ayon sa MIAA, mas mataas ito ng 23% kumpara noong nakalipas na taon.


Pinakamarami anilang mga pasaherong dumagsa sa NAIA terminals ay nitong nakalipas na Nobyembre.

Kumpiyansa naman si MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na makakamit nila ang projection na 45 million passengers sa pagtatapos ng taon.

Facebook Comments