Umabot sa 17 stall ang natupok ng apoy sa sumiklab na sunog sa Dagupan City dahil sa Electric Short Circuit.
Bandang 1: 00 ng hapon, araw ng Huwebes nang magsimula ang apoy sa Brgy. II at II Nueva St. Dagupan City.
Nagsimula ang sunog sa isang bentahan ng gulay na pagmamay-ari ni Mary Nardo.
Ayon kay Senior Office 3, Marcelo Meneses ng BFP Dagupan, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ang mga ito sa light materials maging ang mga benta nito na gaya ng plastic, damit, tela na isa ring dahilan kung bakit tumagal ng halos dalawang oras ang sunog.
12 firetruck na mula sa ibat-ibang bayan ang nagtulong tulong upang maapula ang apoy.
Ayon sa BFP Dagupan, higit 3 milyong halaga ang danyos ng nasabing sunog.
Wala namang naipaulat na nasaktan sa nasabing insidente.
###
17 stalls sa Dagupan City tinupok ng apoy, 3 milyong halaga naitalang danyos
Facebook Comments