17 taong gulang na binatilyo na natagpuang patay sa isang creek sa Baguio City, nagpakamatay at hindi pinatay

Manila, Philippines – Nagpakamatay at hindi pinatay ang labing pitong taong gulang na batang si Vaughn Carl Dicang na natagpuan sa isang creek sa Brgy. Balacbac Baguio City.

Ito ang kinumpirma ng isang source sa panayam ng RMN.

Sa impormasyon ng source tumalon sa creek ang binatiyo dahilan para tumama ang ulo nito sa isang matigas na bagay na kanyang ikinasawi.


Nakausap nya rin daw ang huling kasama ng binatilyo bago nagpakamatay na isang ring menor edad at may mga pahayag ito na nagpapatunay na nagpakamatay ang biktima dahil sa problem sa pamilya.

Sa report pa noong Sept. 1 noong huli ito makita ng kanyang mga kaklase, yun rin ang araw na nagpakamatay ang biktima.
Iginigiit ngayon ng source na malinaw na walang kinalaman sa iligal na droga ang pagkamatay ng binatilyo.

Facebook Comments