Arestado sa raid ng Bureau of Immigration (BI) ang labing pitong Chinese nationals na iligal na nagtitinda sa Sto. Cristo St. Divisoria, Manila.
Ayon sa BI, ang naturang mga dayuhan ay walang kaukulang immigration visas o permits.
Kasama rin sa mga dinakip ang tatlong mga Pilipinong kasamahan ng mga ito pero sila ay agad na pinakawalan matapos mapatunayang tunay na Filipino citizens.
Ang serye ng raid sa Divisoria ay ginawa ng BI kasunod ng report ng mga lehitimong vendors sa lugar hinggil sa pagtitinda ng mga Chinese sa sidewalks ng agricultural products tulad ng bawang at sibuyas.
Sila ay dinala na sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang inaayos ang deportation proceedings.
Facebook Comments