17 vaccines kontra COVID-19 nasa clinical trial stage ayon sa FDA

Umabot na sa 17 candidate vaccines kontra COVID-19 ang nasa clinical trial stage na ng iba’t-ibang bansa habang mahigit 100 ang nasa pre-clinical stage.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa DOST para sa technical review ng mga mag-a-apply ng COVID-19 vaccine clinical tiral sa bansa.

Aniya, habang nasa trial stage ang mga nasabing bakuna nauna nang sumali ang Pilipinas sa hiwalay na clinical trial ng World Health Organization (WHO) kung saan apat na uri ng off labeled drug ang sinusubukan bilang gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.


Kabilang rito ang Hydroxychloroquine, Remdesevir, Lopinavir with Ritonavir at Lopinavir with Ritonavir plus Interferon Betala.

Sa naturang mga gamot, ang anti-ebola drug na Remdesivir ang nakitaan ng positibong epekto sa mga ginamitang pasyente.

Facebook Comments