PCG, nangangaplap na ng ebidensya kaugnay ng isasampang kaso laban sa mga opisyal ng MV Vienna Wood

32

Nangangalap na ng mga ebidensya ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa isasampang kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Hongkong flagged cargo vessel na MV Vienna Wood.

Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia Jr., natapos na ang kanilang imbestigasyon sa mga tripulante ng nasabing cargo vessel.


Aniya, sisimulan na ng kanilang mga abogado ang pagkuha ng sinumpaang salaysay ng mga lokal na mangingisda na rumesponde sa insidente.

Una nang inihayag ng Coastguard na posibleng napasama sa lumubog na MV Liberty 5 ang nawawalang 14 na pinoy fishermen at pasahero nito.

Tinatayang may 2,000 metro ang lalim nang pinaglubugan ng nasabing bangkang pangisda na hindi na umano kayang sisirin ng kanilang technical divers.

Facebook Comments