174,000 OFWs, naiuwi sa bansa mula nitong Abril – Lorenzana

Aabot na sa 174,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-repatriate mula nitong Abril.

Sa public briefing sa Malacañang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, inaasahang mas marami pang OFW ang uuwi sa gitna ng global pandemic.

Ang kanilang daily average ng mga OFW na naiuuwi sa bansa ay nasa 1,500.


Kabilang sa mga ni-repatriate ay mga seafarer na nagtatrabaho sa shipping lines na nakabase sa China, Japan, India, Canada at Estados Unidos.

Pagtitiyak ni Lorenzana na tuluy-tuloy ang pagpapauwi sa mga Filipino migrant workers.

Facebook Comments