Manila, Philippines – Bibili ang PNP ng 175 libong body cameras para ipasuot sa mga pulis sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police CSupt. Dionardo Carlos sa oras na mabigyan sila ng pondo para dito ay bibili sila ng ganito karaming body camera.
Magiging bahagi aniya ito ng standard equipment ng mga pulis.
Pero sa ngayon aniya, meron lang silang mangilan-ngilang video cameras na maaring ipagamit muna sa mga pulis tuwing may operasyon para dokumentado ang pagkilos ng mga pulis.
Nauna rito, sinabi ni Carlos na handang ipatupad ng PNP ang utos ng Pangulo Rodrigo Duterte na magsama ng media sa mga police operations para I-document ang operasyon.
Ngunit inaalala lang aniya ng PNP ay ang kaligtasan ng mga media men lalo na kung magkakaroon ng engkwentro.
Magkagayunpaman siniguro ni Carlos na hindi nila ihaharap ang mga miyembro ng media sa mga armadong suspek para hindi naman mapahamak.