Kabilang ang mga indibidwal na ito sa mga kinasangkutang kaso gaya ng illegal drugs, loose firearms, illegal logging at mga wanted persons maging ang apatnapu’t isang (41) sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon, March 15, 2022.
Sampung (10) katao naman ang naaresto makaraang mahulihan ng 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa P40,000.
Nadakip rin ang apat (4) na suspek at nakumpiskahan ng mga baril at nahaharap sa paglabag sa kasong RA No. 10591 or the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition
Kaugnay nito, apatnapu’t pito (47) mga baril ang nakumpiska habang binubuo ng 119 na Top Most Wanted Person at 103 na iba pang indibidwal.
Samantala, pinangunahan naman ng Police Regional Office 2 ang ginawang pagsuko ng mga dating miyembro ng makakaliwang grupo, anim (6) NPA ang mula sa mga baryo at 34 ang communist supporters.
Pinuri naman ni PRO2 Regional Director PBGEN. Steve Ludan ang tropa ng pulisya na nakagawa na naman ng isang notable operational accomplishments partikular laban sa kriminalidad at insurhensiya.