Gagawaran ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng katibayan ng land ownership ang nasa 177 na magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac bago sumapit ang Hunyo 30.
Ayon kay Agrarian Assistant Secretary John Laña, makatanggap ng Certificate Of Land Ownership Award (CLOAs) na tinatayang nasa 200 ektaryang lupain ang mga naturang magsasaka.
Dagdag pa ni Laña na bagama’t nasa 236 indibidwal ang nagsasabing benepisyaryo sila ng agrarian reform sa lugar ay nasa 177 lamang na pangalan ang nasa listahan base sa kanilang beripikasyon noong Mayo.
Matatandaang nasa halos 90 magsasaka at kanilang mga taga-suporta ang inaresto kamakailan lamang matapos sirain ang mga tubo sa naturang lugar.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights ang kontrobersyal na pag-aresto sa Tinang farmers.