LANDBANK at MULTISYS Technologies Corporation, nagsanib pwersa para sa mabisa at madaling digital payment

28

Nagsanib pwersa ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) at software solutions firm na MULTISYS Technologies Corporation upang matulungan ang mga Local Government Units (LGU) para sa mabisa at madaling digital payment.

Nabatid na pagsasamahin ang all-in-one mobile wallet na LANDBANKPay at Smart City App ng MULTISYS upang matulungan ang mga residente na bayaran ang kanilang financial obligations sa mga LGUs na lamang at hindi na kinakailangan pang magpunta sa mga local offices.

Kabilang dito ang bayarin sa real property tax, business tax, community tax certificate, local civil registry, health at business permits, at lisensya.


Present sa ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sina LANDBANK President and CEO Cecilia C. Borromeo at MULTISYS President and CEO David L. Almirol, Jr.

Facebook Comments