1,797 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ng 1,797 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

166 naman ang bagong gumaling habang 54 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 511,679 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Tumaas naman muli sa 33,603 o 6.6% ang aktibong kaso.

467,886 o 91.4% naman ang total recoveries habang ang total deaths ay 10,190 o 1.99%.

Nangunguna ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Quezon City, Rizal, Isabela at Bulacan.

Facebook Comments