Isa pang Pinoy, namatay sa COVID-19 sa abroad

52

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang Pinoy na panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

19 na overseas Filipinos ang panibagong na-infect ng virus habang 23 Pinoy ang gumaling sa COVID-19.


Sa ngayon, umaabot na sa 13,779 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng virus sa ibayong dagat.

4,017 dito ang patuloy na nagpapagaling habang 8,817 na ang kabuuang gumaling.

945 naman ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na namatay sa nasabing sakit.

Facebook Comments