Muling nagpaalala sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang tropa ng 17th Infantry “Do or Die” Battalion na magbalik loob sa gobyerno at magsimula ng panibagong buhay.
Kasunod ito sa naganap na engkuwentro ng tropa ng 17th IB at NPA sa Brgy Lipatan, Sto Niño, Cagayan pasado alas kwatro ng hapon noong May 9, 2019.
Nag-ugat ang sagupaan na nagtagal ng labin limang minuto dahil sa presensya ng mga rebelde sa lugar na umano’y nananakot sa mga residente kaugnay sa kanilang mga sinusuportahang kandidato.
Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Lt. Col. Jesus Pagala, Commanding Officer ng 17th IB, mayroon pa aniyang tsansa ang mga NPA na sumuko sa pamahalaan upang makapamuhay ng payapa kasama ang naiwang pamilya.
Tiniyak din nito na maibibigay ng gobyerno ang mga ipinangakong tulong sa lahat ng mga susuko.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin anya ang kanilang pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan maging ang kanilang clearing operations hanggang sa matapos ang eleksyon.