17th Infantry Battalion, Pinuri ni MGen Lorenzo!

585

*Alcala, Cagayan-* Binigyang pugay ni Major General Pablo Lorenzo, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang tropa ng 17th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Alcala, Cagayan sa kanyang pagdalaw ngayong araw, Mayo 31, 2019.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay M/Gen. Lorenzo, pinasalamatan nito ang buong tropa ng 17th IB dahil sa hindi matatawarang serbisyo na ginawa at ipinakita lalo na noong nakaraang halalan.


Gayunman ay patuloy lamang ang military operations ng 17th IB para sa kapayapaan at katahimikan sa lugar at kontra insurhensiya.

Inihayag ni MGen Lorenzo na maganda aniya ang naging resulta ng mga aktibidad na isinasagawa ng kanilang hanay sa Lalawigan kabilang na ang pagkakakubkob sa ilang mga kuta at pagkakasamsam ng mga kagamitang pandigma ng mga rebelde.

Ilan sa mga nasamsam ng kasundaluhan mula sa mga rebelde ang ilang matataas na kalibre ng baril, mga pampasabog, ilang communication equipment at mga personal na gamit.

Dagdag ni Lorenzo, malaking puntos sa kanilang hanay ang pagkakakuha sa mga gamit ng rebelde na makakapag-pababa anya ng kapabilidad ng mga NPA na maghasik ng kaguluhan sa Lalawigan.

Facebook Comments

From Advertisers