Pinay DH na comatose, gising na pero kritikal pa rin ang lagay

Facebook/Marilou Abunda

Matapos ang halos dalawang araw na pagkaka-comatose, gising na ngunit kritikal pa rin ang lagay ng Pinay domestic helper na nabangga ng taxi sa Aberdeen.

(Basahin ang buong storya rito: Pinay DH sa Hong Kong, agaw-buhay matapos ma-hit-and-run)

Ayon sa isang medical staff sa Queen Mary Hospital, kung saan naka-admit ang biktimang si Marilou Abunda, 46, bagama’t dumilat na, hindi pa rin nakakausap ang pasyente.


Maga pa rin ang mukha ni Abunda at naka-bendahe ang ulo matapos magsagawa ng operasyon para sa natamo nitong brain hemmorhage, ayon sa The SUN Hong Kong.

Sinabi naman ng medic na maaaring dumaan muli sa isa pang operasyon si Abunda upang malaman ang problema kung bakit hindi pa rin ito nakakausap.

Nangyari ang aksidente apat na araw matapos ang kaarawan ng biktima.

Facebook Comments