17 YEARS OLD NA ANAK NI CLAUDINE BARRETO NA SI SABINA, TOTOO NGA BANG MAYBOYFRIEND NA?

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na larawan ng 17 years old na anak ng aktres na si Claudine Barreto na may kasamang lalaki kung boyfriend niya nga ito.

Sa isang larawan kasi makikita ang mukha ng isang lalaki kung saan katabi at naka-akbay pa ito kay Sabina.

Si Claudine mismo ang nagsabi na may kasintahan na nga ang kanyang anak na si Sabina. Nilinaw din ng aktres na hindi si Santino na kanyang anak sa dati nito asawa na si Raymart Santiago ang lalaking nasa larawan kundi ang kasintahan ni Sabina na si Raffy.


Naging kalmado naman si Claudine na sagutin ang kumento ng isang netizen kung saan sinabi nitong masyado pang bata si Sab para magkaroon ng boyfriend at sabi pa nitong alagaan na lang si Sab at mukha naman daw good girl siya, at nagpasalamat pa ang aktres at pinatotohanang mabuting bata ang anak nito.

Si Sab ay adopted ng dating mag-asawang Claudine at Raymart, samantalang si Santino ay biological child ng dalawa.

Samantala, bukod kay Sab at Santino, mayroon pang dalawang adopted child ang aktres na sina Quia at Noah.

Facebook Comments