Death toll sa pagbaha sa Germany at Belgium, umakyat na sa 170

Sumampa na sa 170 indibidwal ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Western Germany at Belgium.

Sa nasabing bilang, 143 ay nasawi sa pagbaha sa Germany na itinuturing na “worst natural disaster” sa bansa matapos ang higit kalahating siglo.

Daan-daang katao pa ang nawawala at pahirapan ang search and rescue operations dahil nananatiling mataas ang tubig-baha.


Maraming bahay at kalsada ang nasira habang nawalan din ng kuryente at linya ng komunikasyon sa ilang lugar.

Facebook Comments