18 anyos na lalaki kulong sa kasong pagtutulak ng Marijuana

6

Numancia, Aklan— Arestado ang isang 18 anyos na lalaki matapos mahuling nagbebenta ng Marijuana dakong pasado alas 10:00 kagabi sa Brgy. Bulwang Numancia. Hindi na nakapalag pa sa mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, PDEA at Numancia PNP Station ang suspek na si Joshua Besana residente ng Brgy. Camanci Norte Numancia matapos makipag transaksyon sa police poseur buyer. Ayon kay PLTCOL. Frenzy Andrade ng PDEU na namonitor nila ang ginagawa ni Besana kung saan sinubaybayan nila ito ng ilang buwan. Nakikipagtransaksyon umano ng droga ang suspek gamit ang social media at nagmumula ang suplay nito sa lalawigan ng Capiz. Narecover mula sa suspek ang P500 na marked money kapalit ng marijuanang nakabalot sa isang pirasong papel. Sa isinagawang body search nakuha ang karagdagan pang pinatuyong dahon ng marijuana at isang glass tube na naglalaman rin ng nasabing droga. Sa kabilang dako, ikinabahala naman ni PLTCOL. Andrade ang suliranin sa illegal na droga dahil pabata ng pabata ang gumagamit nito. Inabisuhan rin nito ang mga magulang na ugaling subaybayan ang ginagawa ng kanilang mga anak at maging ang mga kaibigan nito. Sa ngayon nakatakdang sampahan si Besana ng kasong paglabag sa section 5 (selling) at section 11 (Posession) ng Republic act 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002. #TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?__eep__=6&__cft__[0]=AZXxLgAWsNxawZekH7PvxazPCGBrwt8vtPTV0OgbvUQVbDx1o9RYkXW7sdn0ZsPOPBiB4jzKAYTlE5DIz8Tvy__xQetQTOF7zFQ_qlabfoo8FN0bh1ooQuCG_lvHjz3guOLhsyTS5ILL42BsSEd0EBJga786m1gn0Em7JPYfyNS6Au_HSkzmC6fElPOurlTZ5gA&__tn__=*NK-R>

Facebook Comments