DFA, nakapagtala ng 4 na mga Pinoy na bagong tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat

30

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs ng 4 na overseas Filipinos na bagong na-infect ng COVID-19 sa abroad.

Apat din ang bagong gumaling habang wala namang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 18,005 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 5,850 pa ang patuloy na nagpapagaling habang 11,042 na ang kabuuang gumaling.

Nananatili naman sa 1,113 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments