18-anyos sa UK, patay isang araw matapos magpositibo sa COVID-19

1164

COVENTRY, England – Nasawi ang isang 18-anyos isang araw matapos makumpirmang mayroon itong coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa ulat ng mga opisyal nitong Linggo, namatay sa University Hospital ang hindi pinangalanang biktima na pinaniniwalaang pinakabatang natamaan ng coronavirus sa UK.


Sa salaysay ni hospital chief medical officer, professor Kiran Patel, mayroon umano silang pinagbabatayang isyu sa kalusugan ng bata bago ito makumpirmang may COVID-19.

Naglabas naman ng pahayag ang ospital na nagbibigay simpatya sa pamilya ng biktima.

“Our thoughts and condolences remain with the patient’s family and loved ones at this difficult time,” saad nito.

Sa kabila ng pangungulila ay nagpasalamat naman ang pamilya ng bata sa suporta at pagmamahal sa kanila matapos ang trahedya.

Facebook Comments