Senior Military officer at asawa nito, nagpositibo sa COVID-19

277

Isang Senior military officer at asawa nito ang patuloy na ginagamot ngayon sa V Luna Medical Center sa Quezon City matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID 19).

Kinumpirma mismo ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Filemon Santos Jr.


Aniya ang nasabing military officer ay may travel history sa isang bansa bago na admit nitong March 15 sa ospital kasama ang kanyang asawa bilang Patient under investigation.

Sa ngayon patuloy silang ginagamot ng mga military doctors sa V Luna hospital hanggang sa makarecover.

Facebook Comments