18 Barangay sa Cagayan, Apektado ng African Swine Fever

38

Cauayan Cauayan City, Isabela- Apektado ng African Swine Fever (ASF) ang ilang alagang baboy ng mga hogh raiser sa labinwalong (18) barangay sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Provincial Veterinary Office, ilan sa mga barangay na naapektuhan ay kinabibilangan ng mga Agani sa Alcala; barangay La Suerte, Bayabat, Monte Alegre at Centro sa Amulung; Liwan Sur at Lanna sa Enrile; Baculud, Iguig; Warat, Piat; Parog-Parog, Palao, Maguirig, Iraga, Cadaanan sa Solana; Dagupan,Malalinta,Palca,Bugnay sa Tuao.

Mula sa pitong (7) bayan ay nasa 1,094 ang kabuuang bilang ng baboy na isinailalim sa culling upang makontrol ang pagkalat ng virus na dala ng ASF.

Naapektuhan rin ang 262 na mga nagmamay-ari ng mga baboy kung saan ay may inilaang tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan.

Patuloy naman ang pagkuha ng blood samples sa mga karatig na lugar na apektado ng ASF at monitoring rin sa iba pang bayan sa Cagayan.

Tinitiyak din ng PVO ang mahigpit na checkpoint sa boundary ng lalawigan kaugnay sa total ban sa pagpasok ng live hogs, fresh, frozen pork at processed products sa Cagayan na mula sa ibang probinsya sa rehiyon dos maging sa Ilocos.

Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 24 na unang pinirmahan ni Governor Manuel N. Mamba noong September 7, 2020.




Ang mga checkpoints ay binubuo ng PNP, Livestock Technicians mula sa mga Municipal Agriculturists, Livestock Technicians ng Provincial Veterinary Office (PVO), TFLC at kabilang ang ilang tauhan ng Marines Battalion Landing Team 10 para bantayan ang mga ilog na maaring daan sa pagpuslit ng mga alagang baboy.

Layon nito na masigurong hindi na lumala pa ang apektadong lugar ng ASF sa lalawigan.

Facebook Comments