18 Chinese nationals, arestado ng NBI dahil sa illegal online gambling

Iniharap ng NBI sa media  ang 18 chinese nationals na kanilang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa access device fraud at illegal online gambling sa Angeles, Pampanga.

 

kabilang sa mga naaresto ang isang disi-syete anyos na lalaki na kasama ng mga dayuhan sa pagpapatakbo ng online gambling  gamit ang isang casino/gambling website.

 

Nakumpiska ng NBI ang maraming cellphone gadgets, laptops, desktop computers, unused sim cards, flash drives, routers at network hubs.


 

Kinasuhan na ang mga dayuhan ng paglabag sa access devices regulation act ,illegal gambling law, at cybercrime prevention act of 2012.

Facebook Comments