18 Dating NPA at Ilan pang Residente, Nabiyayaan sa ‘Adopt-A-Family Challenge’ ng 5ID!

*Cauayan City, Isabela- *Tinanggap ng Kabalikat Troopers ang hamon na ‘Adopt-A-Family Challenge’ program ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Pinangunahan ni Col. Camilo Saddam, pinuno ng 5th Civil Military Operation Kabalikat Battalion ng 5ID ang pamamahagi ng relief goods katuwang ang mga opisyal ng barangay sa mga pinaka nangangailangang residente ng Sitio Darangudong, Brgy. Upi, Gamu, Isabela na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa naturang programa ng 5ID ay pinili ang mamamayan na lubos na nangangailagan at lubhang naapektuhan ng lockdown.


Kaugnay nito, nasa tatlumpu’t limang (35) residente at labing walong (18) dating NPA naman na nagbalik loob sa pamahalaan ang nabiyayaan ng tulong.

Nananawagan naman si Col. Saddam sa mga pribadong sektor at organisasyon na ipakita ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na ngayong krisis sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa taong bayan.

Facebook Comments