COVID-19 cases sa Pilipinas, lagpas 9,000 na!

Pumalo na sa higit 9,000 ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) 295 panibagong kaso ng nakahahawang sakit ang naitala ngayong araw dahilan para sumampa sa 9,223 ang kabuuang kaso nito.

Apat ang nadagdag sa nasawi na ngayon ay nasa 607 na.


Gayunman, mas marami ang nadagdag sa bilang ng recoveries na nasa 90.

Dahil dito, umabot na sa 1,214 ang gumaling mula sa COVID-19.

Facebook Comments