18 Delta variant cases sa bansa, unvaccinated laban sa COVID-19

73

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 18 sa 47 Delta variant case sa bansa ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa lamang dito ang ‘fully vaccinated habang ang apat ay nakakaisang dose pa lamang.


Kasalukuyan naman aniyang bineberipika pa ang 23 kaso kung nabakunahan na rin laban sa COVID-19.

Hindi naman inilahad ng DOH ang impormasyon sa kung anong brand ng bakuna ang naiturok sa mga nagpositibo sa Delta variant.

Sa datos ng DOH, 8 mula sa 47 na Delta variant sa bansa ang aktibo habang 36 ang nakarekober at tatlong nasawi.

Facebook Comments