Umabot sa 18 flights ang na-delay sa Changi Airport sa Palau Ujong, Singapore dahil sa hindi otorisadong pagpapalipad ng Drones.
Ayon sa Civil Aviation Authority of Singapore (CAAS), maituturing na banta sa seguridad ng bansa ang pagpapalipad ng drones malapit sa nasabing paliparan.
Sa nasabing bilang, labing-lima dito ang paalis sana at tatlo ang lalapag pa lang.
Ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng isang Linggo na naapektuhan ang flight schedule ng paliparan dahil sa unmanned aircraft at masamang lagay ng panahon.
Inaalam na rin kung sino ang may-ari ng drones upang mapanagot ito sa batas.
Ang mapapatunayang lumabag sa patakaran ng paggamit ng Drones ay maaaring pagmultahin ng 20,000 Singapore Dollars o isang taong pagkakabilanggo.
Facebook Comments