Umakyat na sa 18 katao ang nasawi matapos bumigay ang isang Himalayan glacier na naging dahilan ng pagkasira ng isang hydroelectric dam sa Uttarakhand, India.
Ayon sa otoridad, higit 200 pa ang nawawala na pinaniniwalaang na-trap sa isang 2.5 kilometers na tunnel na napuno ng putik at mga bato at ang iba ay inanod ng rumaragasang tubig.
Nagpakalat na rin ng 400 na sundalo ang otoridad habang nagbigay na ng paunang lunas at relief goods sa mga apektadong residente ang Indian Red Cross.
Sa ngayon umabot na sa 12 indibidwal ang nailigtas at magpapatuloy pa rin ang search and rescue operations sa susunod na 24 hanggang 48 na oras.
Samantala, inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi bunsod ng nasabing insidente.
Facebook Comments