18 LGUS SA PANGASINAN, PILOT AREAS SA MOBILE APP NG VOTER’S REGISTRATION NG COMELEC

Maari nang magamit ang mobile application ng Commission on Election Pangasinan kung saan pwedeng makapag parehistro ang mga Pangasinense para sa halalan sa susunod na taon.

Labing walong Local Government Units sa lalawigan ang pilot areas nito na kinabibilangan ng Bolinao, Mangatarem, Urbiztondo, Basista, Labrador, Bugallon, Bayambang, Alcala, Sto. Tomas, Sison,Villasis, Urdaneta City, Asingan, Natividad, Rosales, San Nicolas, Sna Quintin at Sta. Maria.

Ang mga nasabing lugar ay inisyal lamang na listahan na maaaring maka access sa mobile application.


Sa pamamagitan ng Mobile Registration Form App, na gagana lamang sa android phone, pwede na itong i-download at makapagparehistro kahit walang internet connection.

Ayon kay COMELEC Provincial Election Lawyer Marino Salas, kapag naging matagumpay ang application form, tanging QR Code ang dapat lamang na ipakita sa COMELEC Offices.

Paalala nito sa mga residente na magdala pa rin ng ID sa opisina ng comelec para sa verification process.

Facebook Comments