18 mangingisda sa Eastern Visayas, nawawala dahil sa Bagyong Jolina

Inaalam na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga impormasyon para sa search and rescue operation ng 18 na mga mangingisdang nawawala sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Jolina.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, kasalukuyan pang biniberipika ng kanilang tauhan ang natanggap nilang ulat hinggil dito.

Kabilang sa nawawala ay ang 12 mangingisda sa Sierra, Western Samar, 4 sa Motiong Samar at 2 naman sa Catbalogan.


Ang mga mangingisda ay inabutan ng sama ng panahon.

Facebook Comments