SALES LADY NA WANTED SA BATAS, HULI SA CAUAYAN CITY

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang sales lady na wanted sa batas sa pampublikong pamilihan sa barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Sarah Jane Camit, 25 taong gulang, walang asawa, at residente ng Brgy. Baringin Sur, Cauayan City, Isabela.

Inaresto si Camit sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni hukom Mary Jane Socan-Soriano ng MTCC Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Falsification of Commercial Document.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan.

Pansamantalang makakalaya si Camit kung makakapaglagak ng piyansang aabot sa Php36,000.00.

Facebook Comments