Cauayan City, Isabela- Muling ipinag-utos ng Lokal na Pamahalaan ng Bayombong sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang pagpapalawig sa pansamantalang pagsasara ng Bayombong Public Market makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang tindero’t tindera sa isinagawang mass swab testing noong Setyembre 18, 2020.
Ayon sa pahayag ni Mayor Ralph Lantion, 18 vendors ang nagpositibo sa virus ngayong araw kung kaya’t minabuting palawiging ang temporary closure ng palengke sa dagdag na limang (5) araw o hanggang September 27, 2020.
Sa ngayon ay may kabuuan ng 29 na vendors ang nagpositibo sa virus kaya’t mas lalong hinigpitan ang pagpapatupad ng health protocol sa nasabing bayan.
Papayagan lamang ang mga pagtitinda sa palengke kung mayroong makukuhang clearance certificate mula sa Municipal Health Office.