18 na mga pasahero ng multicab nasugatan sa aksidente sa Sison, Surigao Del Norte

18 na mga pasahero ng multicab nasugatan sa aksidente sa Sison, Surigao Del Norte Umabot sa 18 na mga pasahero sa isang multicab ang nasugatan matapos masangkot sa aksidente sa Brgy. San Pedro, Sison, Surigao Del Norte. Kinilala ang mga nasaktan na sina Estelita Loub, Joey Cortes, Gemma Junglay, Honey Grace Orlasan, Remelyn Ponce, Francesca Jenine Dulpina, Jeanette Crencia, Rodolfa Uba, Leonora Avila, Marian Lourdes Butaslac, Elena Calang, Helen Usic, Hanna So, Triciane So, Gertrudes Silao, Redford Jaganas, Jennyville Joy Mante at Lennette Balustra. Ayon kay SPO1 Russel Longos, ang Investigator on Case, ang mga naaksidente una ang multicab na may plate number LYCH 877 ang minamaneho ni Redford Jagonas, ikalawa ang Wing Van Truck na may plate number ACN 5991 na minamaho naman ni Marvin Buladaco. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na parehong patungo sa Surigao City ang magkakasunod na multicab at truck. Diumano’y tumigil ang multicab sa may Brgy. San Pedro, Sison para ibaba ang isang pasahero. Hindi kaagad nakita ng driver ng truck na huminto ang multicab sa kanyang unahan kaya diretso itong bumangga. Sa lakas ng impact sa pagbangga, tumilapon at maraming pasahero ang nasugatan. Dinala kaagad ang mga ito sa iba’t ibang ospital at kasalukuyang nagpapagamot sa ngayon. Ang dalawang sasakyan na naaksidente ang nasa kustodiya na ng Sison PNP para sa karagdagang imbestigasyon na isasagawa.

Facebook Comments