
Pinadalhan na ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines Corps.
Sila umano ang nagsilbing bagman at security aides ni dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co.
Sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag, sa Marso 11 araw ng Miyerkules niya pinatatawag ang mga marines sa NBI.
Una nang inatasan ng Office of the Ombudsman ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga isiniwalat na alegasyon ng mga ito kasama na ang pagkakakilanlan, background at kredibilidad.
Nais ngayong malaman ng NBI ang personal knowledge at partisipasyon ng mga nasabing ex-marines.
Una nang nanawagan si Matibag kay Atty. Levi Baligod na boluntaryong ipasa sa kanila ang affidavit ng mga ex-marine.
Sa alegasyon ng mga marines, nag-deliver umano sila ng mahigit ₱800 billion sa mga opisyal ng gobyerno mula 2022 hanggang 2025.










