18 – Patay Sa Magnitude 6.5 Na Lindol Sa Indonesia

34

BANDA ACEH, INDONESIA – Labingwalo na ang patay sa lindol na tumama sa Banda Aceh, Indonesia.Sa update mula sa US geological survey, itinaas sa magnitude 6.5 ang lakas ng lindol mula sa naunang iniulat na magnitude 6.4.Hindi naman naglabas ng tsunami warning, pero may mga gusaling nasira bunsod ng lindol.Ayon kay district official Apriadi Achmad, may isang bahay sa Pidie Jaya ang nawasak at pinangangambahang may mga na-trap sa loob nito.Naramdaman ang lindol sa malaking bahagi ng Aceh, na noong 2004 ay nasalanta ng Indian ocean tsunami.

Facebook Comments