Mamahaling Relo Na Iniregalo Kay Agriculture Sec. Manny Piñol, Isinauli Ng Kalihim

8

MANILA – Isinauli ni Department of Agriculture Sec. Manny Piñol ang isang mamahaling rolex watch na iniregalo sa kanya.Sa Facebook post ng kalihim – sinabi nito na “it is the season of giving, but sorry we can’t receiveKwento ni Piñol kamakailan, isang regalo na nakalagay sa maliit na box ang natanggap niya nang siya ay makipagpulong sa ilang matataas na opisyal mula sa malaking agriculture company.Aniya, hindi niya ito masyadong pinansin, dahil kadalasan naman, kapag nakikipagpulong siya halimbawa sa isang ambassador na nagtutungo sa kaniyang opisina, nag-iiwan ito ng regalo gaya ng handicraft items.May nagaganap aniyang exchange of present’s kapag may formal meetings lalo na kapag courtesy call ng mga opisyal ng foreign agencies.Pero noong siya ay nasa Kidapawan City, naisipan niyang buksan ang maliit na kahon at nagulat siyang naglalaman pala ito ng isang rolex submariner na pinapangarap ng marami na aabot sa P450,000 ang presyoAminado si Piñol na sumagi din sa kaniyang isip na tanggapin ang regalo, pero batid nito na bawal at lalabag siya sa batas kapag tinanggap ang regalo at nagpasyang ibalik sa nagbigay.

Facebook Comments