18 tauhan ng PNP, nagpositibo sa drug test ngayong taon

31

Nagpapatuloy ang internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Sa press conference ngayong umaga, iniulat ng PNP Crime Laboratory na 18 mga tauhan ng PNP ang bagong nagpositibo sa drug test.


Ito ay mula sa petsang January 1 hanggang February 20, 2021.

17 sa mga ito ay mga police officer habang isa naman ang non-uniformed personnel.

Sa ulat pa ng PNP Crime Lab na kabuuang 80, 507 mga PNP personnel na sumalang sa drug test.

Isinagawa ito hindi lang sa National Headquarters kundi maging sa iba’t ibang police regional offices.




Sa kasalukuyan, sumasalang na sa imbestigasyon ang mga tauhan ng PNP.

Sila ay posibleng masibak sa serbisyo.

Facebook Comments