Pinangalanan ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesman Lieutenant General Antonio Parlade Jr. ang ilan universities at colleges sa bansa na umano’y breeding ground ng recruitment ng koministang grupo.
Ayon kay Parlade, nasa labing walong kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nasa kanyang listahan na may nangyayaring recruitment activities kung saan karamihan ay nasa Metro Manila.
Sinabi ni Parlade na bukod sa University of the Philippines (UP), may nangyayarin ring recruitment ng mga rebelde sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), Far Eastern University (FEU), Ateneo de Manila University (ADMU), University of Santo Tomas (UST), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), De La Salle University (DLSU), University of Makati (UMak), at iba pa.
Sinabi ni Parlade na may ilang mga guro ang nagpapasok sa mga silid aralan ng mga recruiter ng CPP-NPA.
Kaya nararapat lang aniya ang ginawang unilateral abrogation ng Department of National Defense sa 1989 UP-DND accord.
Iginiit ng heneral, na hindi problema ang pagiging aktibista kundi ang pagtawid sa underground organization.
Naniniwala si Parlade na mas mapag-aaralan nila ngayon ang nangyayaring recruitment ng NPA sa UP matapos maibasura ang UP-DND accord.