Cauayan City, Isabela- Umabot na sa isandaan at walumpu (180) na wanted person ang naaresto sa One-day Simultaneous Anti-criminality and Law Enforcement Operations ng pulisya sa Cagayan.
Batay sa Provincial Operations and Management Unit report, labindalawa (12) Top Most Wanted Person ang naaresto kung saan 3 MWP sa Provincial Level at 9 MWP sa Municipal Level, at dalawampu’t lima (25) iba pa ay naaresto rin sa parehong operasyon ng mga otoridad.
Bukod dito, mayroon ding tatlong (3) isinagawang anti-illegal drug operations na nagresulta ng pagkahuli sa siyam (9) na katao kabilang ang dalawang (2) High Value Target at isang (1) Street level individual.
Kaugnay nito, umabot na sa anim na daan at anim na pu’t anim (666) na isinagawang pagbisita sa mga apektadong barangay kasama ang barangay na may banta ng terorismo.
Sa kabilang banda, tatlumpu’t lima(35) personalities ang naaresto dahil sa paglabag sa Special Laws; dalawampu’t dalawa (22) ang naaresto sa kasong RA 9287 o Anti-illegal Gambling, tatlo (3) ang naaresto sa paglabag sa PD 705 o Anti-Illegal Gambling, pito (7) ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, dalawa (2) ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009 at isa (1) naman sa kasong RA 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998.
Nakapagkumpiska rin ang mga otoridad ng apat (4) na Hand Grenade, dalawang (2) rifle grenade, isang (1) IED landmine, dalawang (2) piraso ng long Plastic Magazine para sa M16 rifle, isang (1) piraso ng steel magazine para sa UZI cal 9mm, anim (6) na Firearms, isandaan at labingsiyam (119) na iba’t ibang uri ng bala at siyam (9) na Fired cartridge sa ginawang pagsisilbi ng Search Warrant.
Samantala, nahuli rin ang isandaan at lima (105) na lumabag sa kasong RA 11332 or Law on Reporting of Communicable Diseases na bahagi ng mahigpit na kampanya ng Cagayan PPO sa pagpapatupad ng community quarantine protocol.
Dalawampu’t apat (24) na violators ang nahuli sa ilalim ng municipal ordinance sa pamamagitan ng pag-iisyu ng citation tickets.
Binigyang diin naman ni PCol. Ariel Quilang na ang kanilang tagumpay ay pagpapakita lamang ng kanilang pagtuon sa payapa at ligtas na Cagayan.
Pinuri naman ni PNP CHIEF, POLICE GENERAL DEBOLD M SINAS at RD PRO2 PBGEN NIEVES ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng pulisya.