Libreng prepaid home Wi-Fi, natanggap na ng apat na bagong winners ng ‘Wi-Fi mo, sagot ng Radyo Trabaho’

32

Masayang tinanggap ng apat na winners ang kanilang napanalunang premyo mula sa ‘Wi-Fi mo, sagot ng Radyo Trabaho’ promo.

Mismong mga anchor ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ang naghatid nito sa kanilang bahay kaya mas lalo pang nadagdagan ang kanilang mga ngiti.


Kabilang sa apat na masusuwerteng winners ng week 10 at 11 raffle draws sina Ma. Theresa Cruz ng Pasig City, Jeneca Beldia ng Binondo, Maynila, Federex Potolin ng Ermita, Maynila at Marious Tanquion ng Sampaloc, Maynila.

Anila, magagamit nila ang natanggap na Wi-Fi para sa pag-o-online class ng kanilang mga kaanak at mahal sa buhay.

Sa ngayon, labingwalong masusugid na mga tagapakinig na ang nakatanggap ng libreng prepaid home Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho at madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Kaya huwag niyo nang palampasin ang pagkakataon na magkaroon din ng sariling Wi-Fi at tumawag sa DZXL hotline 8882-2374 kapag narinig ang Radyo Trabaho jingle sa mga programa ng DZXL 558.




Maaari ring sumali online kaya i-like ang RMN DZXL 558 Manila Facebook page at sundin ang mga mechanics para maging valid ang raffle entry.

Facebook Comments