Pormal nang nanumpa ang 1,800 na mga bagong abugado.
Isinagawa ang oath taking kahapon ng mga pumasa sa 2018 Bar Exams sa special en banc session ng Korte Suprema sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang mga bagong abugado sa bansa ay pinangunahan ng bar topnotcher na si Atty. Sean James Borja ng Ateneo Law School.
Kasabay nito, pinaalalahanan naman ni Supreme Court Associate Justice Estela Perlas Bernabe ang mga bagong abugado na magpursige sa kani-kanila law practice.
Aniya, huwag ring ikompromisio ng mga ito ang kanilang integridad at bilang mga millennials hinimok niya ang mga ito na ipagpatuloy lang ang pagiging technologically-savvy, resourceful at socially-minded para makasabay sa mabilis na paglago ng teknolohiya ngayon na magagamit naman sa kanilang propesyon.
Pinaalalahanan din sila ni 2018 Bar Exam chairman Justice Mariano del Castillo na ang pagiging abugado ay hindi entitlement para maging mayabang.