180,000 indibidwal nakiisa sa 2nd quarter online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

25

Umabot sa 180,000 netizens ang lumahok sa isinagawang 2nd quarter online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang umaga.

Ito ay bilang paghahanda pa rin sa inaasahang 7.2 magnitude na lindol o “The Big One.”


146,000 sa 180,000 netizens na lumahok online ay nakiisa sa duck, cover, at hold sa kanilang mga bahay, opisina o kung nasaan man sila sa buong bansa.

Sa ngayon, pinaghahandaan naman ng NDRRMC ang ikatlong quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na gaganapin sa September 9, 2021.

Facebook Comments