Eleazar, handang pangunahan ang COVID-19 vaccination sa PNP sa ilalim ng A4 category

25

Handa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na unang maturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng A4 category.

Ayon kay Eleazar, sasamahan siya ng kaniyang command group para mahikayat ang mas maraming pulis na magpabakuna na laban sa COVID-19.


Aniya, hindi sila mamimili ng brand ng bakuna dahil naniniwala sila na ligtas ang mga ito matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA)

Batay sa survey na isinagawa ng PNP hanggang ngayong araw, umabot na sa 92.23% na mga tauhan nila ang nais na mabakunahan mula sa naitalang 51% noong Pebrero.

Facebook Comments