183 baranggay official na umano’y sangkot sa katiwalian sa pamamahagi ng SAP, iniimbestigahan na ng mga otoridad

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasa 183 barangay official na umano’y sangkot sa katiwalian kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Base sa ipinasang ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, kasama sa ini-imbestigahan ang mga opisyal na nagbulsa ng pera at naghati ng ayuda para ipamigay sa maraming pamilya.

Imbes kasi na P8,000 ang matatanggap ng bawat pamilya, hinahati ito ng mga baranggay official hanggang maging P2,000 na lang.


Sa ngayon, umabot na sa higit 96% ng mga pamilya ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP.

Facebook Comments