183 travelers galing South Africa, patuloy pang hinahanap ng DOH

Hinahanap pa Department of Health (DOH) ang 183 iba pang travelers mula South Africa na dumating sa Pilipinas noong November 15 hanggang 29.

Ito ay sa gitna ng banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nahanap na nila ang 71 mula sa 254 travelers na dumating sa bansa mula South Africa.


Sa nasabing bilang, 250 ay mga Pilipino at apat ang dayuhan.

Sinabi rin ni Vergeire na 68 mula sa 71 na nahanap na mga travelers ang hindi pa sumasailalim sa retesting habang ang tatlo sa mga ito ay nagnegatibo na sa COVID-19.

Patuloy namang hinihintay ang resulta ng retesting ng tatlong foreign nationals na dumating sa Negros Occidental.

Nauna nang isinailalim ng Pilipinas sa red list countries ang Botswana, Eswatini, Lesotho, Mozambique, Namibia, South Africa, Zimbabwe, Belgium, Italy, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, at Switzerland noong November 28 hanggang December 15.

Facebook Comments